daing ng lahi, poem about race, poem about culture

Ozzias T. Villaver Jr., Ed. D. | BravoFilipino

Libu-libong taon, ang langit at lupa’y dinadangkal

Ng mga halaman natutuyo na sa bilis ng panahon

Sabay ang sari-saring unos sa paligid mg walang pagal

Kahit anumang dasal ng catalona at ng manang  sa balon…

 

Libu-libo ng taon daho’y napapara ang ningas sa Silangan,

Bilis ng hangin  sa amiha’t habagat di mawari ang daang tumbok,

Doon sa Isarog ang sinag ng bukang liwayway pinipigil ng kapal ng ulap

Na tila tutusok sa handugan altar ng babaylan sa taluktok ng bundok…

 

Ang iisang dasal ng lahi kay Bathala sa langit pinararating

May luha, may awit, may bulaklak, at iba’t ibang pagkain,

At mula sa paggising ng araw hanggang sa pagkakahimbing

Daing sa matamtim na panalangin ang takdang sugo dumating.

 

Ilan pang butil ng ipil at itlog ng sinarapan ihahain sa makintab na altar?

Ilan pang dasal ng mga angel at repikal ng cathedral sasabay sa dasal?

Ilan pang iyak ng mga sanggol na pupukaw sa hilik ng kanya-kanyang ina?

Ilan pang tambuli at gintong kuwerdas ang tutugtugin sa baybayin Filipina?

 

Napupudpod na ang balat ng banaba, namumutla na ang naihaing mga saba,

At ang ibang inialay na mabangong bulaklaksa altar ay nababawasan na;

At sa kabila ng panganib na saklawin tuluyan ang tinig ng pag-asang makita

Ang sugong magiting na magdadala ng laya’t ginhawa sa lahing nagdurusa.


Follow my other articles in Negosentro.comVigorbuddy.com, FoodFindsAsia.com,PinoyTrekker.com, GoGaGaH.com, Fotograpiya.com and ExecutiveChronicles.com