tanikalang-luha

Ozzias T. Villaver Jr., Ed. D. | BravoFilipino

Ang umaga’y gabi, ang gabi’y umaga.

Ang orasan ay nasa kamay ng panday ng galactica.

Ang sigaw ng hangin mula sa kanluran pa-timog

Minsan nakakabingi sa silangan at padakong-ilaga…

At habang ang hampas-lupit nitosa sagradong lupa

Na pamana ng mga ninunong nananahimik

Sa karaniwang kugo’t kawayan at makakapal

Tila dala’ng apoy ng himok, galit, manhid at sindak…

Ang gabi’s umaga, ang umaga’y gabi.

Habang sa orasan ay napupuno ng alikabok

At nakakalito sa mata ng makasaysayang ugat

Siyang tanging bumabaybay sa sanga-sangang luha

Ang luhang di matutumbasan ang hapis at halaga

Kahit pumapatak na ito sa templo at tumatabang lupa.