Ozzias T. Villaver Jr., Ed. D. | BravoFilipino
“Isa, dalawa, tatlo…isa pa, isa pa…ups!
Okey na…” sigaw at naka-thumb up pa
Ang nakangiting retratista
Ang daming sumisingit, ang aarte pa
“isa pang shot…may waki, may waki na”…
Suminyas ang may ngiting retratista
_______________
Tuwing mayroon okasyon, ang kamera
Hindi nawawala, isang maliit na aparato
Napakahalaga at hinahanap ng mga tao
Para sa kanilang walang kupas na balikan.
Sa isang pagtitipon, maliit o malaki man
Dumarating si Itay humahangos at pawisan
Sukbit niya sa leeg ang high tech kamera
Tila pinagmamalaki ang porma’t ganda.
Tapos na ang musika, tapos na magsikain,
Tapos na ang programa,tapos na’ng aliwan,
Dali-daling tinawag si Itay sukbit ang kamera
Pagdating sa harapan inakma sa kaliwa’t kanan.
Sa ganda’t porma di pahuhuli ang kamera ni Itay,
Maya-maya suminyas na nag kanyang kamay…
“isa…dalawa…tatlo…biglang kumislap…okey na”
Muling may sumigaw:…”waki naman, waki pa.”
Itatago na sana ni Itay ang kamera pero ito’y naudlot
Inayos at winari ang distansya sa mga pumoporma
Maya-maya may kumakaway patakbong nangunguna
Nang makasingit sa harapan sumigaw siya ng “isa pa.”
Kumislap ang ilaw ng kamera hudyat na natapos na
Kaya isa-isang madaling bumabalik sa kani-kaniyang upuan
Ngunit may humila sa kamay in Itay ulit magpapakuha pa
Pinagbigyan naman niya at ang Kamera ay natutuwa.
Umakyat…gumitna sa tarpaulin… habang kamera muling inaakma
Kuha sa gitnsa…kuha sa kanan…kuha sa kaliwa…kuha sa ibaba
Klik ditto…klik doon…klik sa gitna…klik sa ibaba…klik lang basta
Nang tapos na kuhanan ang lahat ang kamera itinago na.
Follow my other articles in Negosentro.com, Vigorbuddy.com, FoodFindsAsia.com,PinoyTrekker.com, GoGaGaH.com, Fotograpiya.com and ExecutiveChronicles.com