edge-of-tomorrow

Ann Gabriel | BravoFilipino

Naisabatas na ang Republic Act No. 10905 o ang tinaguriang Closed Caption Law (Subtitle Law) na kung saan, ino-obligahan ang mga television networks na gamitin ang ‘subtitling system’ sa kanilang mga palabas. Nakasaad sa batas na ito na kinakailangang gawin ito ng mga television networks, labing limang araw mula sa promulgasyon nito.

Makikinabang dito ang mga hearing-impaired na mga manonood.

Naisabatas ang closed captioning system law sa kadahilanang hindi pagbigay ng pansin ng Malacañang dito, 30 araw mula ng mai-enact ito noong Hunyo 20, 2016, ani Sen. Grace Poe.

Maraming mga bansa na ang gumagawa ng closed captioning system, na kung saan puedeng mamili ng manonood kung gusto niyang may closed caption system ang palabas na pinanonood niya o wala.

Si Sen. Grace Poe and pangunahing may-akda nito, bilang chair ng Senate Committee on public information and mass media noong huling session ng Kongreso. Matatandaan na si Sen. Grace Poe ay ang dating chair ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

Sinabi pa ni Sen. Poe na tutuparin ng batas na ito ang pangako ng Pilipinas na umayon sa Convention on the Rights of Persons with Disabilities in 2008, na kung saan nakasaad na “there should be full accessibility and recognition of the linguistic and cultural identity of persons with disability.”

Ang Pilipinas ay mayroong 1.4 million hearing impaired Filipinos simula pa noong 2009. 241,624 ay deaf, 275,912 ay bahagyang deaf at higit sa kalahating milyon ay hirap makarinig. Ang mga datos na ito ay mula sa Philippine Statistics Authority na kung saan ibinase ni Sen. Poe ang batas ng Subtitle Law o Republic Act No. 10905.

Lahat ng franchise holders at operators ng mga television networks at producers ng mga programa sa telebisyon ay kinakailangang lagyan ng closed caption options ang mga palabas nila.

Hindi kasama sa batas na ito ang mga public service announcements na hindi hihigit sa 10 minutes ang pagpapalabas o mga palabas na -ibino-broadcast ng madaling araw. Exempted din ang mga television networks na hindi kayang ma-afford ang pribilehiyong ito.

Ang National Telecommunications Commission at ang MTRCB ang mga ahensya ng pamahalaan na magpapatupad nito.

Sundan ang iba ko pang blogs, sa Foodfindsasia, ExecutiveChronicles and GoGaGah.

 

Share This!Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedIn

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here