Boris Joaquin | BravoFilipino.com
Succeed over Stress
Sa loob ng tatlo hanggang limang buwan, maaaring umabot hanggang 20-40 projects ang inaasikaso ng isang working professional. At dahil sa digital technology, maaari pang magkaroon ng hanggang pitong work interruptions sa isang oras. Di kataka-takang apat sa sampung nagtratrabaho ang dumaranas ng stress. Marami tuloy ang nagtatanong, “Ano po ba ang magagawa ko pag sobrang stress sa trabaho?” “Paano ako magtitira ng energy para sa sarili ko pagkatapos ng trabaho?”
Kung naiiyak ka na dahil sa stress sa trabaho, relax ka muna. Narito ang ilang tips to help you succeed over S.T.R.E.S.S. :
Set priorities. Ayon sa time management matrix ni Steven Covey, critical na piliin kung ano ang mga bagay na tunay na mahalaga. Ito yung mga urgent at important — ang mga gawaing hindi mo pwedeng isantabi. Kailangan mo nang gawin ngayon. Ito muna ang unahin mo, at ihuli ang iba.
Take a deep breath. Kung overwhelmed ka na sa dami ng gagawin o tense dahil sa nalalapit na meeting, take a few minutes to breathe in and breathe out. Breathing exercises relax your nerves. Better yet, breathe a prayer. Bago ako sumabak sa isang potentially stressful situation, sinasamahan ko ito ng dasal. Mas nakakalma ako kapag alam kong naipaubaya ko na sa Diyos ang mga alalahanin ko.
Respond, don’t react. Madalas tayong mag react kung may dagdag trabaho o problemang dumarating. Keep your cool. Pag-aralan muna ang issue o bagong trabaho. Minsan hindi naman pala problema ito, at baka may sapat ka pang panahon para gawin ito bago ang deadline.
Eliminate interruptions. Yung mga bagay na hindi makakatulong sa trabaho mo — tulad ng Facebook notifications o di mahahalagang email — i-turn off mo muna. Sa break time mo na lang i-check ang mga ito. Maaari ring magtalaga ng ibang oras sa pag-check at pagsagot ng email.
Schedule your day well. Kapag alam mo na ang priorities mo, iayon ang schedule mo dito. Tulad nang nabanggit, unahin ang mga urgent at important. Ang importante pero mamaya pa o bukas pa ang deadline, puedeng ipagpaliban nang kaunti. Ang mga bagay na urgent pero hindi importante sa trabaho mo, ipasa mo sa taong ito talaga ang ginagawa. Kapag ginawa mo ito, makikita mong may focus ka at may matitira pang energy bago matapos ang araw mo.
Stretch and sleep. Mag-exercise: stretch, walk, go to the gym and you will feel better. And sleep: give your body enough time to recharge. Ang malusog na pangangatawan ay makakatulong sa pagsugpo ng stress. Kailangan ng isipan at katawan mo ang kaukulang pahinga, ehersiyo at tamang pagkain.
And finally, say goodbye to self-imposed stress. Minsan ikaw din ang cause ng sarili mong stress kapag masyado mong kina-career ang work para magpa-impress sa boss o mga katrabaho. This is unneccessary. Just do your work well and let your work speak for itself.
Here’s to a stress-free week ahead!