(c) www.dramafever.com

Irene Tria | BravoFilipino

Isang malaking question mark kung paano ka nga ba makikipag-kaibigan o kakaibiganin ang taong minahal mo ng sobra-sobra at siya ring nanakit sayo ng sagad-sagaran?

Ika nga sa isang quote, “you can never move forward if you keep on looking back to your past”. Paano ka nga naman makaka-move on kung sa tuwing naalala mo ang nakaraan eh nasasaktan ka. So paano mo nga ba siya magiging friend kung isa siya sa dahilan ng iyong kasawian?

LEARN TO FORGIVE YOURSELF – isang malaking check! Bago mo pa mapatawad ang “ex” mo, unahin mo munang patawarin ang sarili mo. Tigilan mo ang paninisi sa sarili mo o kay “ex” dahil parehas naman kayo nagkaroon ng pagkukulang sa isa’t isa.

ACCEPTANCE – mapapatawad mo lang ang sarili mo kapag, natanggap mo na hindi kayo, na hindi nag-work, na hindi siya ang “forever mo”, na “game over na”.

HUWAG NANG UMASA – once napatawad mo ang sarili mo or si “ex”, unti-unti mo nang matatanggap na hindi kayo para sa isa’t isa. Ibig sabihin hindi ka na umaasa sa second chance.

HUWAG I-COMPARE ANG SARILI KINA POPOY AT BASHA – Kung napanood niyo na ang The Truman Show ni Jim Carey, eto ang nais nilang ipaintindi sa tao lalo na’t nilamon na ng sistema ng social media. “We accept the reality of the world with which we are presented, it’s as simple as that.” Ang pelikula ay isinulat ng mga malikhaing pagiisip ng mga scriptwriter/writer. Bilang isang writer, isinusulat namin ang kung ano sa tingin namin ang papatok sa mga tao. Kadalasa’y ito rin ang mga “aspirations” pagdating sa pakikipag-relasyon. Ito ay FICTIONAL ibig sabihin kathang-isip lang. Kung sakali na nagkaron ng pagkakapareho sa tunay na buhay, hindi ito sadya kundi nagkataon lang.

HUWAG KA NA MAGALIT SA EX MO – kasi nga the more na nagagalit ka sa “ex” mo ibig sabihin the more mo siya minamahal ng palihim. Paano? Bakit? Simple lang dahil galit ka sa kanya, hindi ka obligado na kausapin siya o maging mabait sa kanya, kaya malaya ka na mahalin siya nang walang nakakaalam.

WALANG SECOND CHANCE it’s been a cliché that everybody deserves a second chance. Siguro depende sa sitwasyon. Ngunit relasyon nag pagbabasihan hindi ba’t napaka-unfair nun? Bakit? Kasi in the first place bakit mo sasaktan yung taong mahal mo? Kung tunay at totoo ang pagmamahal mo, bakit mo hahayaan na mapasok ka sa isang sitwasyon na maisasa-alang-alang yung tiwala, respeto at pagmamahal ng partner mo. Dahil sabi ni alter-ego “may second chance naman”, ang unfair hindi ba. Para maging kaibigan mo si “ex” huwag ka umasa ng second chance sa inyo.

TIGILAN ANG PAGHIHINTAY, WALA NANG BABALIK – kung patuloy kang maghihintay mas malaki ang chance na walang babalik. Bakit? Simple lang, dahil sa kagustuhan mo na bumalik yung taong minahal mo, maling signal ang maibibigay mo kapag nalaman niyang naghihintay ka pa rin. Hindi mo alam pero mas naitutulak mo siya papalayo. Laging tatandaan, kung babalik nga ba siya, hindi mo dapat hintayin dahil mangyayari yun kung nauukol.

HUWAG MABUHAY SA NAKARAAN – walang maidudulot ang pananatili mo sa past. Mas sasaktan mo lang ang sarili mo. Tigilan mo na ang pag-alala sa mga happy memories niyo kasi past yun at ang present eh yung nasaktan ka. Mas mabuti na mag-look forward ka sa future. Paano mo makikita ang itinakda para sayo kung nakakulong ka sa past mo? Kawawa naman si future di ba kung di mo siya makikita.

Sa huli nasa saiyo pa rin kung susubukan mong gawin ang mga nakasulat dito, tandaan, ito ay suhestiyon lamang. Wala naman masamang sumubok, parang nung pinili mong mahalin at bitawan si “ex”. Hindi mo mamalayan, bukod na magkaibigan na kayo, mas magiging masaya ka pa dahil malaya ka.

 


Follow my other articles on: FoodFindsAsia,  Vigorbuddy, Gogagah and PinoyTrekker