by Boris Joaquin |

Ito ay unang lumabas sa Inquirer Libre at ibinabahagi para sa mga Filipino ni Ginoong Joaquin.

May mga nagtanong sa akin kamakailan: Paano daw nila malalaman na panahon na para sila ay mag-resign sa trabaho?

Madali para sa ilan na maramdamang dapat nang lisanin ang kasalukuyang trabaho. Pero ang iba hindi, natatauhan lang kapag nasabihang, “Parang hindi ka na masaya sa ginagawa mo.” Karamihan naman ay napipilitan lang manatili sa trabaho kahit hindi na sila masaya dahil kailangan talagang kumita at takot na di makahanap ng ibang mapapasukan.

Narito ang seven signs that it’s time to R.E.S.I.G.N.  — gabay para matukoy kung napapanahon na ito:

Real and present danger. Kapag hindi maganda ang kalakaran sa  kumpanya —  may iligal na gawain o may ipinagagawa sa iyo na labag sa mga prinsipyo mo o maari mong ikapahamak; at  kung  hindi na maganda ang kalagayan ng negosyo  —  palugi, pabagsak o malapit nang magsara ang kumpanya, isuot na ang salbabida at tumalon sa dagat. Hindi mo kailangang malunod kasama sa paglubog ng sinking ship na ito.

Employer problems.  Boss mo ang problema. Sabi nga nila, “You join a company, but you leave managers.”  Kung di karesperespeto ang boss mo at hindi maganda ang trato sa iyo, kung maraming pangakong napapako, o dinadagdagan ka ng trabaho pero ganun pa rin ang sahod mo —  it’s time to leave.

Survival mode ka na lang. Wala nang energy at passion sa trabaho? Miserable sa pagpasok tuwing umaga? Pinipilit na lang ang sariling magtrabaho? Binibilang ang oras at nagmamadaling umuwi? Bored to death ka na. Baka mas makabubuti sa lahat, kasama na sa iyo, na maghanap ng panibagong pagbibigyan ng sigla.

Ineffective ka na sa iyong ginagawa.  Hindi ka na kasing productive noon kahit capable ka naman sa ginagawa mo. Nagsa-suffer ang work performance mo at napapansin mo (o ng boss mo) ito. Baka kasi wala nang growth opportunities sa opisina. Baka matagpuan mo ito sa ibang kumpanya.

Going crazy ka na dahil sa stress, overtime o dami ng trabaho — apektado na pati ang kalusugan mo. Kapag walang work-life balance sa office mo, para kang kandilang nauupos; nakaka-drain. Health is wealth, ika nga. You should have enough time for your family. Kapag parang imposible nang hanapin ito sa kasalukuyan mong trabaho, find a job that promotes work-life balance.

Negative working environment.  Kung biktima ka ng bullying, harassment, prejudice o unfair treatment, hindi na pinag-iisipan yan: kailangan mo ng work environment kung saan ang lahat ay nirerespeto.

Senyales ang mga ito na sapat na ang dahilan para lisanin ang kasalukuyang trabaho at maghanap ng iba. Huwag manghinayang kung may patutunguhan ka naman. Tulad ng madalas kong sabihin, ang trabaho natin ay parang sasakyan lang patungo sa ating destinasyon. Minsan talaga kailangan mong bumaba ng tricycle para sumakay ng taxi.