Rod Gabriel | BravoFilipino.com
Ang kahulugan ng pagiging mayaman (rich) ay mapera. Ang ibig sabihin naman ng pagiging mariwasa (wealthy) ay may patuloy na pagdaloy ng pera.
Pera ang nagtutulak sa tao na hangarin na maging mayaman. Layunin naman ang nagtutulak sa tao upang maging mariwasa.
Ang pagiging mariwasa ay isang estado na kung saan kayang buhayin ng isang indibidwal ang sarili ng mahabang panahon, kahit na tumigil siya sa pagtratrabaho o pagkita.
Ang mga mariwasa ay maituturing na eksperto na sa pag-iwas sa mga kamalian ng malalakas kumita at ng mga mayayaman.
Eto ang pitong kamalian na patuloy na iniiwasan ng mga mariwasa.
1. Inuuna ang ginhawa ng higit pa sa ‘financial freedom’
Kalaban ng ginhawa ang kasaganaan at malimit na pinaka-peligrosong kaaway ng magiging mariwasa. Ang mga mariwasa ay naghahanap ng kalayaan sa kahirapan. Ang panandaliang ginhawa ang nagiging balakid sa pagsusumikap upang maging mariwasa.
2. Huwag mamuhunan sa isang negosyo lamang
Sa panahon ngayon, napakadelikadong mamuhunan sa isang negosyo o investment lamang. Maaring ilagay ang karamihan sa isang negosyo na alam na alam mo, ngunit manigurado na may matitira pang yaman sa iyo kung sakaling hindi magtagumpay ito. Bagama’t maraming atensyon ang gugugulin mo sa iba ibang investments, okey lang yan.
May kasabihan tayo. “Don’t put all of your eggs in one basket.”
3. Huwag basta basta mamuhunan sa uso
Likas sa ating Pilipino na makigaya sa ibang yumaman sa negosyo. Asahan mo na may isa pang mas maayos at mas magandang negosyo na papalit dito.
Ang pagyaman sa isang negosyo ay hindi nakasalalay sa produkto o serbisyo lamang. Dapat may alam ka dito.
Nung nagtayo ako ng internet rental shop, kumita kami ng malaki sa loob ng isang taon, pero kasunod noon ang pagsulpot ng napakaraming internet rental sa lugar namin. Ugaling Pinoy ang makigaya at makiagaw ng kita.
4. Huwag umasa sa iisang income stream
Kahit gaano pa kalaki ang income mo, isipin mo lagi na posible pa rin na mawala ito. Nagkaroon ako ng malaking pagkakataon na kumita ng malaki sa isang kumpanya. Akala ko noon, tuloy tuloy na ito. Hindi ako naging handa.
Ang paglikha ng yaman ay nakadepende sa maraming income streams. Hindi kailangang biglain ito. Siguraduhin na maayos ang una, bago maghanap ng ikalawang income stream.
Hindi ito diversification – pagpapatibay ito ng yaman.
5. Madaling maniwala sa ‘biglaang yaman’ na klase ng mga negosyo
Huwag padalos dalos. Mas madaling magkamali sa biglaang desisyon at malimit maraming nagkakamali dito. Kailangang pag-isipan ang lahat ng bagay lalo na kapag pera ang pinaguusapan. Maghanap ng katibayan bago sumali sa isang negosyo na tila ‘too good to be true’.
6. Huwag ikumpara ang sarili sa iba
Huwah mainggit sa yaman ng iba. Hindi ka kikita sa pagkumpara ng yaman mo sa yaman ng iba. Magsikap. Mag-aral ng mga bagong skills na tutulong sa iyo para kumita ng mas malaki.
7. Pekeng yaman
Isang maling ugaling Pilipino ang maging galante. Isang maling ugaling Pilipino ang bumili ng mga mamahaling kotse, relo o celpon kahit hindi kayang maafford ito. Malimit dinadaan sa utang upang maging ‘better off’ kumpara sa mga kakilala o kaibigan.
Ang mga mariwasa ay hindi nagmamayabang, ang tinututukan lamang nila ay ang pagiging ‘financially free’.
Importante na unahin ang hangarin na maging mariwasa o ‘financially free’.
Follow my other articles in Pinoytrekker.com, Foodfindsasia.com and Gogagah.com