Ozzias T. Villaver Jr., Ed. D. | BravoFilipino
Ang pagtuturo ay hindi madali. Ito ay hindi lamang pangkaraniwang propesyon. Ito ay isang bokasyon na pinaghahandaan ng mag-aaral ng ilang taon. Kapag sa wakas ang mag-aaral nakamtan ang diploma sa kanyang kurso at matagumpay niyang naipasa ito sa Pagsusulit para sa Lisensya ng Pagsusulit ng Pagtuturo (LET), buong sigla niyang nanaisin na simulan ang pagtuturo. Ang ligaya o tagumpay ng isang guro ay batay na rin sa kanyang layunin noong bago o sinimulan niya ang kurso sa kolehiyo. Itong layunin ay magsisilbi kung paano haharapin ang buhay ng isang guro.
Sa pagkakataon na ipinagdidriwang ngayon ang Buwan ng mga Guro sa boung mundo, mayroon isang tanong na maaring tuunan ng pansin: bakit masaya maging isang guro? Ang kasagutan ay marami, ngunit maaaring mayroon din karaniwan na sagot tulad ng –
- Pangingibabaw ng silakbo sa pagtuturo. Sapagkat ang tunay ng kalooban ng guro sa pagturo ay hindi masusukat. Kahit mababa ang natatanggap na sahod at kulang ang mga benepisyo, ang katangian ng silakbo ng guro ay hindi maisasantabi kahit anong kalagayan ng panahon, anong gipit sa buhay at anong bigat ng suliranin sa hinaharap. Dahil ito ang tunay na sinumpaan na katapatan at kaligayan na natatamo niya sa kanyang tungkulin.
- Ang patuloy sa pagtuklas sa panibagong paraan o estratehiya ng pagtuturo. Ito ay sapagkat malaking tulong sa mabilisan at praktikal na kaalaman sa mga magaaral. Kaya, ang guro ay masaya kapag ang kanyang mga mag-aaral ay naisasagawa sa buhay nila ang mga natututunan (nila) sa silid-aralan.
- Ang mapabago sa mabuting ugali ng kanyang mag-aaral. Ito ay upang harapin ang hirap sa kalagayan ng buhay at matagumpay nilang malampasan ang anumang pagsubok sa buhay.
- Ang malaman at/o masaksihan niya ang tagumpay ng kanyang mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng propesyon. Isang kaligayan na matupad ng guro itong layunin sa kanyang pagtuturo.
- Ang maging isang “educational tour guide” sa isang mahalagang paglalakbay. Ang lakbay aral ay kung saan maraming natutuklasan ang kanyang mag-aaral. Isang pagkakataon na hindi nila makakalimutan ang kanilang guro at ang kasiyahan at kaalaman ng mga pook na iyon.
- Ang paggalang na ibinibigay sa guro ng kanyang mag-aaral at kanilang magulang sa loob at labas ng paaralan. Isang palatandaan sa pagkilala ng kahalagahan sa guro. Isang magandang katangian na nagbibigay inspirasyon at kaligayan sa guro, ang tinuturing na panagalawang magulang ng mga mag-aaral.