by Boris Joaquin | shared from Inquirer Libre |
Malapit na ang pasko at patapos na ang taon. Alam mo ang ibig sabihin nito: malapit mo nang matanggap ang 13th month pay mo! Woohoo!
Pero hindi tayo dapat puro happy-happy at ubos biyaya. Kailangan mong pag-isipan kung paano mainam pakinabangan ang natanggap na dagdag na biyaya.
Let me give you eight wise ways to use your 13th month pay:
- Bayaran mo muna mga utang mo. Kung may mga pinagkakautangan ka, siguro mainam na bayaran mo na muna ang mga ito. Debt is the enemy of being financial free. Bawasan mo ang sakit ng ulo mo sa darating na taon. Start the new year debt-free. Hindi mo man mabayaran lahat, ang mahalaga ay nababawasan ito. Always work towards paying off your debts bago ka gumastos para sa ibang bagay.
- Magtabi para sa mga inaasahang bayarin, lalo na kung may responsibilidad ka sa pamilya. Andyan ang mga darating na tuition fees ng mga kapatid o mga anak, taxes, amilyar, at insurance. Sa halip na kinakabahan ka kung saan mo hahagilapin ang pambayad mo sa mga ito sa susunod na taon, hindi ba’t magandang maglaan para sa mga ito ngayon pa lang?
- Magtabi ng emergency fund. Ang emergency fund ay ang magagamit mo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa mga taong walang health card o HMO. Minsan kahit meron, kailangan mo pa rin ng emergency fund. Mahal magkasakit. Magastos maaksidente. Kahit hindi emergency, minsan may mga unexpected expenses na kailangang bayaran pero hindi mo inaasahan. Kung wala ka pang emergency fund, now is a good time to start building up one using your 13th month pay.
- Invest in yourself and your loved ones. I’m a big believer in creating moments and memories with your family. Kaya pag may extra money, gustong ilabas o kaya magbakasyon out of town with them. At sa pagbili ng regalo nila, piliin ang mga bagay na makakatulong o makakabuti sa kanila.
Minumungkahi ko lamang ito kung bayad na ang mga pinagkakautangan at okay ang emergency fund mo: you can also invest in yourself. Upgrade your tools of the trade (cellphone or laptop) na nagagamit mo sa iyong trabaho o kaya side business. Attend a seminar that would help boost your career.
- Invest in the future. Magtabi para sa retirement fund mo, o para sa ipapamana sa mga anak (o magiging anak, kung single ka pa). Kung wala ka pang insurance, pagkakataon mo nang simulan ito – para sa iyo at sa (magiging) pamilya mo.
At kung kaya mo, maganda kayang simulan nang mag-invest sa bahay o kotse? Make sure lang na kaya mong panindigan ang buwanang hulog nito. Ang point ko lang, yung mga mas maliliit na gastos – tulad ng pagkain-kain sa labas, o pagbili ng mga luho – puwede munang ipagpaliban, at ang pera ay ilaan para sa mga bagay na mas tatagal at makakabuti sa iyo in the long run.
- Invest to earn extra. Makakatulong din para sa paglalaan para sa kinabukasan ang mag-invest ka sa mga mutual funds, UITF at stock market. Isa sa pinaka-affordable investment ay ang mutual funds. Investment starts at P5000. So many funds to choose from. At hindi mo kailangan maging maalam dito dahil may mga professional fund managers na tutulong sa iyo. Ganoon din ang UITF (unit investment trust fund). These are ‘pooled funds’ na para din mutual funds. It can be managed by a bank and their fund managers. Kung ayaw mo ng masyadong passive, the stock market might be for you. Pwede na ring magsimulang mag-invest sa stocks with P5000. Warning lang: volatile ang investment sa stock market. So mahalagang may kaaalaman ka nang kaunti about it before you start. Invest in yourself first, like what I said. Attend a seminar on investing in stock markets before buying stocks.
- Start a business. Sa panahon ngayon, mapakadali nang magsimula ng business, lalo na online. Maaaring magsimula sa maliit na capital. Palaguin at pagyamanin ito sa pamamagitan ng mga online promotions. Build this business on the side. Who knows? Baka hindi mo kailangan mamasukan as an employee but continue your career as an entrepreneur.
- Save, save, save! Kung walang mainam sa iyo sa mga nabanggit sa itaas, then just save your money habang pinag-iisipan o pinag-aaralan kung ano ang iyong gagawin. Mahalagang bayad ang lahat ng utang at may mainam kang kaalaman bago tahakin ang mga nabanggit ng wise ways to use your extra money.
Budgeting at proper planning ang susi to use your 13th month wisely. Pag-aralan mo ang mga nabanggit na eight wise ways to use your 13th month pay at piliin ang nababagay sa iyo. And start the new year better and brighter!