by Boris Joaquin | via Inquirer Libre |

Madalas kong makita sa Facebook kamakailan lang ang hugot line na ito para sa mga working singles: “wagi sa trabaho, sawi sa pag-ibig”. Hindi naman siguro lahat ng singles na nagtratrabaho ay ganito ang pakiwari sa kanilang kalagayan – although kung ganito man ang damdamin ng ilan sa ngayon,  sa palagay ko may kinalaman ito sa papalapit na Pasko. Sa paglamig ng panahon, nauuso na naman ang biruang pagbuo ng mga “SMP” (samahan ng malalamig ang Pasko). Sa pag-iisip ng regalong gustong matanggap, nariyan na naman ang sentimyentong “Pasko na naman, wala pa rin akong mother-in-law.” At pihado, pag lumutang na naman sa ere ang Gary V Christmas classic na “Pasko na Sinta Ko”, hahalukayin nito ang mga damdaming nananahimik sa puso mo.  Dahil dito, napasulat tuloy ako sa buhay-relasyon ng mga singles na nagtatrabaho.

Pinagdaanan ko rin lahat ng yan, kaya naging malaking tulong sa akin ang ilang lessons na natutunan ko noong single pa ako, kasama na ang ilan mula sa librong isinulat ni Joshua Harris na I Kissed Dating Goodbye. Una na rito ang mga katagang ito: “Singleness is a blessing, not a curse.”

Kaya kung ikaw ay single at wala pa ring boyfriend o girlfriend, sa halip na magmukmok, let me give you instead some classic tips on how to maximize your singleness. Binubuo ng mga ito ang acronym na “WHOLE”, mula sa makahulugan at dapat pag-isipan na mga katagang binanggit din ni Harris, na “ONE is a WHOLE number.”

Win friends, not potential partners. Kung hindi ka consciously naghahanap ng magiging boyfriend or girlfriend mo, you can freely look at people, as in lahat ng tao, as potential friends. Sa ganoong paraan, you can be yourself. Kapag naghahanap ka kasi, magiging self-conscious ka: you put your best foot forward at minsan hindi ka na nagpapakatotoo. You also risk getting your heart broken. You can never lose when you win friends.

Heal your heart first. Kung kagagaling mo lang sa isang break-up, palipasin mo ang panahon. Huwag agad-agad humanap ng kapalit. A rebound is not a good start for a relationship. Maraming disisyon ang pinanghihinayangan dahil sa pagmamadali.

Aside from that, a brokenness is a really good time to grow. During this growing up time, you can gain a lot of perspective and life lessons. Huwag sayangin ang pagkakataong makapag-isip-isip muna kung ano talaga ang mga gusto mo sa buhay, at sa magiging kasama sa habang buhay.

One with yourself.  If one is a whole number, hindi ka kulang kung wala kang ka-partner. Singleness is a great time to get to know yourself better (like what you like or dislike), set your goals in life and work on them, develop yourself, explore your opportunities, and invest your life in worthy causes.

Live life to its fullest. Singleness is a gift, ang sabi nga, a season in your life na marami kang puedeng gawin at personal na pagdisisyunan habang hindi ka pa naitatali ng pamilyadong buhay. Huwag mong sayangin ito. Kung tutuusin, kung mag-aasawa ka balang araw, maiksi lang panahaon na ikaw ay single kumpara sa panahong may boyfriend/ girlfriend o may asawa ka na. Let say ikasal ka at age 30. After graduating from college, you only have 8-10 years of being single. So enjoy this period of your life: travel, try new things (learn to cook and do housework!), workout, learn a new language, start new hobbies, pursue graduate studies, explore a new profession, solidify friendships, give back and help others, expand your network, start a business, build your savings and invest your money (huwag ka naman magsimulang mag-ipon lang kapag andyan na ang mapapangasawa mo!), get yourself and loved ones insured, build your house! Pagkakataon mo rin ngayong pagsilbihan ang pamilyang nagpalaki sa iyo, lalo na habang wala ka pang inaalagaang sarili mong pamilya. O yan ah, marami kang puedeng gawin sa halip na magmukmok.

Entrust yourself and your love life to God. Sa totoo lang, hindi tao ang makakapagpabuo sa atin, kundi ang Diyos na gumawa sa atin. Kung matagal kang nabuhay nang hindi mo Siya nakikilala, ito na ang pagkakataon para gawin ito. Siyang gumawa sa iyo ang magpapakita sa iyo kung para saan ka Niya ginawa (life purpose). Siya rin ang magpupuno sa pagmamahal na hinahanap mo. Hindi Siya nauubusan nito! Mahusay din Siyang magbigay ng new beginnings, kung ito ay kailangan mo.

Naniniwala rin akong mahusay na love story writer ang Diyos, so let the God of the Universe orchestrate who you should be with for the rest of your life. If He knows all, He would want what’s best for you. Magpaka-busy ka muna sa mga pinagkatiwala sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan: ang trabaho mo, ang suweldo mo, ang pagpapaaral sa mga kapatid mo, ang pangangalaga sa mga magulang mo, ang pagiging mabuting kaibigan, at ang paghahanda sa isang magandang kinabukasan.

Maniwala ka sa akin, darating din ang panahon na hindi na manlalamig ang iyong Pasko. But for the meantime, keep it warm with God, family and friends. It is possible to alone and not lonely.