Ozzias T. Villaver Jr., Ed. D. | BravoFilipino
Minsan lang nararating ko ang bukid. Minsan lang sa isang buwan o wala pa. malayo man ito sa sa tahanan naming sa lungsod, hinahanap-hanap ko pa rin ang magandang tanawin nito. Ang taniman ng palay at iba-ibang puno na nakapaligid yaon, ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko ay nakakaakit. Siguro nga dahil hindi ito karaniwan nakikita at nararamdaman sa lungsod.
Sa bukid, ibang-iba ang dating sa paningin ko. Palibhasa Madali akong maakit ng kagandahan ng kalikasan. Iba ang init ng araw; ang hangin ay walang polusyon; ang agos ng tubig sa kanal ng Irigasyon ay malinaw at malamig; ang mga manok, itik, at ganso ay palipat-lipat sa bakuran, hindi natatakot bmawala sa pinanggalingan lungga; ang mga ibon ay malayang lumilipad saan man sila pumaroon; ang mga tao sa kalapit taniman ay tahimik lamang, simple lamang ang buhay; kung mayroon man nagdiriwang na kaarawan, nagkakantahan sa karaoke; at kung pupunta sa mga pamilihan na di kalayuan, ang presyo ay hindi naman ganoon kalaki o kamahalaan. Sa palibot ng tahanan ngaming kapatid, nakakagiliw masdan ang mga kumakaway na dahon ng palay; ang nagtataasang punong niyog at iba-ibang bungang kahoy tila nag-uunahang mapansin tuwing darating ako; sa umaga, makikita ang ibang mag-aaral na bata na nag-uunahang makarating sa kani-kanilang silid-aralan bago tumunog ang orasan sa ika-pito ng umaga; makikita rin ang mga maraming paslitna naglalaro. Ang katahimikan na bumabalot sa kapaligiran ay ibang-iba sa bukid.
Kapansin-pansin din ang mga tingin ng mga tao kapag mayroon bagong mukha sa kanilang lugar. Tila sila nagbubulung-bulungan at mayamaya pa ay nag-uusap-usap at mayroon pang pahiwatig ng pagbati. Ang kultura ng kalapitan ay kahanga-hanga. Ang bayanihan ng mga kapitbahay ay matatag pa rin, hindi pa nagbabago. Iba talaga ang samahan sa bukid.
Bagama’t ang karamihang kapitbahay naminay mayroon ilaw at sariling poso, ang iba naman ay kuntento na sa natatanggap nilang mga grasya. Ang mga padyak at tricycle ay medalang bumiyahe sa looban, kaya ang mga tao ay walang magawa kundi umakay sa habal-habal. Kung walang-walang masasakyan, mapipilitan naman maglakad kahit sa kalagitnaaan ng tanghaling tapat. Ganito ang buhay sa bukid pero “enjoy” naman. Bukod sa ibang “enjoy” na nararanasan ditto, masusubukan ang kakayahan kong makihalobilo sa mga pangkaraniwang tao sa mundo.
Simple lamang ang buhay sa bukid. Masarap at masay. Kaya naman ang pakiramdam ko ay maginhawa sa kalusugan. Nakakarelax sa katawan at isipan.
Follow my other articles in Negosentro.com, Vigorbuddy.com, FoodFindsAsia.com,PinoyTrekker.com, GoGaGaH.com, Fotograpiya.com and ExecutiveChronicles.com