gmrc cong. kid pena
(File Photo) Cong. Romulo Kid Peña

BravoFilipino.com, ni Homerun Nievera, Correspondent | Pagsasabatas ng GMRC at Values Education, Ikinatuwa ni Cong. Kid Peña | Malaki ang tuwa at pagpapasalamat ni Makati City First District Congressman, Romulo Kid Peña ang pagsasabatas Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education Act sa pormal na pagpirma ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ayon sa batas na ito na Republic Act 11476, magiging parte ito ng regular na curriculum ng K to 12 curriculum, upang lalong mapaigting ang mas komprihensibang pagpapatupad ng  GMRC at Values Education na programa sa ating sistemang pang-edukasyon. Papalitan nito ang subject na Edukasyon sa Pagpapakatao.

Si Cong. Peña, na isa sa mga principal sponsors ng batas, at isang first-timer bilang kongresista, ay buong-pusong ipinagmalaki ang pagkakapasa ng batas na ito dahil na rin sa tagal ng kanyang adbokasiya para maisulong ang kinabukasan ng mga kabataan.

Ayon kay Cong. Peña, “Matagal ko nang isinusulong ang wastong pagpapalaki sa mga bata noong nasa SK pa lang ako. Ito na ‘yung katuparan ng pagsulong ko sa halaga ng values formation sa simula pa lang ng eduksayon ng mga bata sa eskuwelahan.”

Ang Republic Act 11476, o GMRC and Values Education Act, ay ang pagtuturo at pagpapalaganap ng mga pangunahing pamantayan at pagpapahalaga sa lipunan na tanggap sa buong mundo. Malaking bahagi dito ang angkop na respeto sa bawat tao.

gmrc
(File Photo): Cong. Kid Peña (Principal Sponsor ng GMRC at Values Education Law), kasama si Cong. Roman Romulo na Principal Author ng Online Education Law.

Ang Values Education naman ay ang pagkakaroon ng proseso ang mga kabataan kung saan pinapahalagahan nila ang iba’t-ibang prinsipyo upang mas maging mabuti silang tao at paano sila mnakikipagsalamuha sa kapwa.

Ang programang GMRC ay isasama sa pang-araw araw na gawain ng mga kinder at ituturo bilang isang hiwalay na subject sa Grade 1 hanggang Grade 6. Magiging parte din ito ng Values Education subject na ituturo naman sa mga estudyanteng Grades 7 hanggang Grade 10. Ang mga Senior high school naman ay magkakaroon ng Values Education na isasama sa kanilang mga iba’t ibang subject.

Noong 2013, ang GMRC ay inalis bilang isang regular na subject mula sa K to 12 curriculum noong isinaman ang Values Education sa mga ibang subject gaya ng sa Edukasyon sa Pagpapakatao and Araling Panlipunan.

“Sana, maisaayos ng DepEd ang implementasyon ng GMRC at Values Education lalu na sa panahong ito kung saan merong online learning at wala o lubos na mababawasan ang face-to-face ng mag-aaral at guro,” pagtatapos ni Peña.