BRAVO FILIPINO | Construction Workers Solidarity Party List – Tuloy ang Maayos na Serbisyo sa Tao | Ang Disyembre ay ang pinaka-abalang buwan ng taon, ang karamihan ay naglalaan ng kanilang oras sa pamilya at mga kaibigan, pamimili ng regalong pamasko, pagdalo sa iba’t-ibang mga pagtitipon; ngunit hindi kay Attorney DJ Jimenez, Construction Workers Solidarity Partylist Legal Counsel, at Spokesperson. Para sa kanya, ang serbisyo publiko ay isang 24/7 na trabaho na nakatuon sa paglilingkod sa mga Pilipino sa pangkalahatan.
Mayroon ngang isang kasabihan na nagsasabing, “If you want to change the world, you must first change yourself” at ang CWS Partylist naging napaka consistent sa larangan na ito. Mula sa mga araw na sila ay unang nahalal hanggang sa kasalukuyan, tinutulungan pa rin nila ang mga Pinoy construction worker at patuloy pa rin silang naghahangad na mapabuti ang kanilang katayuan sa lipunan.
Ang CWS ay hindi lamang may mga matatalinong pinunoupang mabisang pamahalaan ang grupo at ang kanilang mga proyekto kundi pati na rin ang karanasan upang maging boses ng mga kapus-palad sa pagkamit ng patas at makatarungang pagtrato sa lipunan.
Noong ikalawang linggo ng Disyembre, sinabi ni Atty. Jimenez sa kanyang panayam sa programa ni Eugene Montaño sa Serbisyo Publiko Online sa catarman, Northern Samar. Tinanong siya ng sunud-sunod na mga katanungan na nagbigay liwanag sa kung ano ang layunin ng CWS sa mga susunod pang mga taon, upang makakalap sila ng dagdag pang mga suporta para sa 2022 na eleksyon at makuhang muli ang kanilang puwesto sa kongreso para sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo publiko. Ang lokal at nasyonal na eleksyon sa bansa ay gaganapin sa Mayo 9, 2022, na ilang buwan na lang mula ngayon. Hindi mahirap hulaan na ang isa sa mga kandidatong mananalo at karapat-dapat na maupo sa mga puwesto sa bulwagan ng Kongreso ay tulad ng Construction Workers Solidarity Partylist.
Ayon kay Jimenez, ang pangunahing layunin ng CWS ay iangat ang kalagayan at katayuan ng pamumuhay sa lipunan ng ating mga masisipag na construction worker, gayundin ang pag-papahusay ng kanilang kaalaman upang makipagkumpitensya sa internasyonal na merkado. Ang organisasyon ay nagsusumikap din sa paglalagay ng isang akademya para sa mga Pilipino na nagttrabaho sa konstruksyon, ito ay isang private-public partnership na magbibigay ng tamang pagsasanay sa mga construction worker upang mapabuti ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagganap ng kanilang mga trabaho. Layunin din ng partylist na paigtingin ang mga regulasyon sa industriya ng konstruksiyon upang matiyak ang batas sa kontraktwalisasyon, kaligtasan, at seguridad sa panunungkulan ng mga manggagawa.
Nabanggit din na malaking epekto sa mga construction worker ang nangyari sa panahon ng pandemya, kung saan karamihan sa kanila ay hindi nabigyang pansin. Marami sa kanila ang hindi nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno dahil hindi sila lokal na nakarehistro sa mga lugar kung saan sila kasalukuyang nakatalaga. Ang CWS ay kumilos at gumawa ng iba’t-ibang serye ng tulong sa libu-libong apektadong manggagawa sa konstruksyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ang Construction Workers Solidarity Partylist ay laging bukas sa mga miyembro at hindi miyembro nito ng pagkakataon na marinig at ipaabot ang kanilang tulong upang matiyak na ang kanilang mga karapatan at interes ay naisasagawa at natitiyak. Sa katunayan, sa huling buwan lamang ng 2021, nagsagawa ang CWS ng serye ng iba’t ibang aktibidad at programa sa buong bansa bilang bahagi ng patuloy na serbisyo at dedikasyon nito.