BravoFilipino | BAMBANTI FESTIVAL: Bagong Kinabukasan para sa mga Isabeleños | Sa muling pagbubukas ng taon opisyal na pinagdiwang ng Isabela ang Bambanti Festival nitong nakaraang buwan Enero 23-29, 2023 mula sa dalawang taon na pagkakahinto nito dahil sa pandemya.
Pinangunahan ni Vice Gov and Direktor General of the Bambanti Festival Faustino “Bojie” Dy III ang pagsisimula ng nasabing pagdiriwang kasama ang Village Agri-Ecotourism Exhibit and Sale na nagpapakita ng kanilang produkto at mga malikhaing interpretasyon sa mga naglalakihang Bambanti sa ibat- ibang munisipyo sa probinsya ng Isabela.
Ang Bambanti ay salitang Ilocano na scarecrow o pananakot sa mga ibon, peste at iba pang banta sa palayan at maisan. Sa pagdiriwang ngayong taon, ang Bambanti ay may temang “Isabela, Pagharap sa Bagong Hamon ng Kinabukasan na layuning magkaroon ng matibay na pagkakaisa, pagasa, pagtitiwala, pananalig at katatagan
Unang idinaos ang Bambanti Festival noong Marso 14, 1997 sa layuning maingat ang pagkakakilanlan ng Isabela sa larangan ng agrikultura particular sa kanilang mga magsasaka, kultura at turismo.
Sa unang pagkakataon, natunghayan ko ang selebrasyon ng nasabing pagdiriwang sa tulong na rin ng isang imbitasyon mula sa pamahalaan ng lalawigan ng Isabela kung saan una kong nasilayan ang tradisyon na makulay, masining at madesinyo nilang Bambanti Festival.
Bambanti Village
Isa sa mga naging sentro ng festival ay ang mga itinayong Bambanti Village sa harap ng kapitolyo ng Isabela sa lungsod ng Ilagan.
Kinilala ang tatlumpot apat (34) na nakilahok sa ibat ibang bayan ng Isabela kung saan naipamalas at naibahagi ng agri-ecotourism booths ang ibat ibang produktong ibinibenta nila ganun din ang makulay at masining na disenyo ng kanilang village kung saan naging bahagi ng kompetisyon ng Bambanti Festival.
Napuno ng kulay, saya at husay ang inihandog ng mga nakilahok sa Bambanti Street Dance Competition noong January 27, 2023. Nabusog ang mga mata ng mga manonood hindi lang sa Lungsod ng Isabela kundi maging ng mga dayuhan na galing pa sa iba’t ibang lugar dahil sa ipinamalas na husay at galing ng mga kalahok.
Pinaghandaan, ginalingan at pinaghusayan ang bawat galaw ng mga kalahok maging sa mga detalye at desinyo ng kanilang mga kasuotan.