Para sa Matatag na Mabini By Rizaldy “KonZee” Luistro

BravoFilipino.com | Para sa Matatag na Mabini By Rizaldy “KonZee” Luistro | Nitong panahon ng pandemya, marami ang nangyari. Marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay. Marami ang naligaw, pinagdudahan ang kanilang kakayahan at ang nakakalungkot, marami sa atin, lalo ang mga kabataan, ang tumaas ang kaso ng depresyon, bumaba ang tiwala sa sarili at yung tanong na ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito. Tulad ng marami, biktima ako ng pandemya.

Sa mga ganitong panahon mas kailangan nating tumaya. Tumaya sa kapasidad na kaya ng sarili at tumaya sa kalinga ng kanyang komunidad – ng pamilya.

At kung may natututunan ako ngayon na dulot mula ng pandemya, ito yung sa panahong hindi natin nakikita ang sinag ng araw mas kailangan ang liwanag na nangagaling sa bawat isa.

Isang karangalan ang makapagsalita sa inyong lahat sapagkat hindi madalas nangyayari ang ganitong pagkakataon. Harapin natin ang katotohanan. Anak ako ng isang OFW at apo mula sa angkan ng mga mangingisda. Pero tulad ng marami na simple ang pamumuhay, libre ang mangarap. At sa pangarap na ito nagmula ang aking misyon, nagmula ang aking determinasyon na magpursige, mag-aral ng mabuti, at mahanap ang bokasyon na maging bahagi ng komunidad na nagtutulungan at binubuhat ang bawat isa para umangat sa buhay.

Sa mga kasamahan kong kabataan, walang tagumpay ang hindi nagsisimula sa pangarap. Tandaan na walang malakas ang hindi nagsimulang mahina. Walang nananalo ang hindi matapang na tumataya.

Para sa makabagong panahon, gabay ng dunong na ating natutunan mula sa kasaysayan. Hayaan mong bumawi ako sa’yo, aking bayan ng Mabini, Hinubog mo ako at pinalaking mabuti.

Hangad ko na maging isa sa mga inspirasyon ng ating kabataan na posible ang iyong pangarap. Sa halalang ito, Ako ang lider ng mga kabataan. Dala ko ang simbolo ng liwanag sa dilim na bunga ng pandemya at ang lider na inihanda ng panahon at ng karanasan para sa tamang pagkakataon na maglingkod sa mas nakararami.Para sa Matatag na Mabini By Rizaldy “KonZee” Luistro

Ito ang ating laban, ito ang ilan sa ating mga isusulong sa ating termino pagka-konsehal ng bayan

  1. ISUSULONG ANG KABATAAN AT KAHALAGAHAN NG MAKABAGONG KOMUNIKASYON
    – Mas maraming opurtunidad para sa Kabataan at Pagpapatatag ng komunikasyon ng pamahalaan at ng kanyang mamamayan.
  2. KALIKASAN, TURISMO AT KAHANDAAN SA SAKUNA
    – Tayo ay mga anak ng kalikasan, isusulong natin ang isang matatag na programa hindi lang para sa kahandaan ng lahat sa mga sakuna kundi sa kung paano maiiwasan at mapapababa ang epekto nito sa atin.
    – Babantayan at patatatagin ang mga programang pangkalikasan at kung paanong makakatulong ang lahat na mas umunlad pa ang turismo gamit ang
  3. OFW, NEGOSYO AT ANG PAMILYA
    – Isusulong ang programa para sa Financial Literacy para ng mga anak ng OFW at ng kanilang pamilya. Patatatagin natin ito para sa mas malawak na kaalaman ng lahat sa kung gaano kahalaga ang pag-iipon, mga bagay na dapat tandaan sa investments o sa pagnenegosyo para hindi sayang ang pinaghirapan ng ating mga mahal na OFW.
  4. NAGTUTULAK SA KARAPATAN NG KABABAIHAN, SENIORS AT PWD SA PAMAMAGITAN NG MAS MATATAG NA SECTORAL PARTNERSHIPS
  5. ZEAL FOR GOOD GOVERNANCE
    – Magiging bantay sa konseho na panatihin ang accountability, transparency, citizen participation at pagiging epektibo ng mga programa ng pamahalaang bayan.
  6. EDUKASYON AT KAHALAGAHAN NG MATATATAG NA MGA ORGANISASYON SA MABINI
    – Naniniwala akong ang bayang may mga aktibong samahang panlipunan ay isang bayan na masigla ang demokrasiya at mas mataas ang interes sa mga makabayang gawain.
  7. E-HEALTH AT PAG-SENTRO SA MENTAL HEALTH
    – Patatatagin ang programa para sa mental health at kahalagahan nito sa bawat isa lalo sa mga kabataan.
    – Isusulong ang programang E-HEALTH kung saan mas ilalapit ang mga laboratoryo at ospital sa loob ng tahanan.

Kailangan natin ng lider na bihasa sa kung paano magagamit ang mga makabagong teknolohiya sa komunikasyon at pagiging produktibo para mas magkaintindihan ang bawat isa sa panahon ng pagkakawatak-watak at mapagdugtong ang henerasyon noon sa henerasyon ngayon.

Kailangan natin ng lider na ang polisiya ay hinabi mula sa prinsipyo na walang pamahalaan ang magiging matatag kung hindi itinataguyod ang isang komunidad na aktibo, may epektibong diskurso at nakikibahagi sa usaping panlipunan  at isang pamahalaan na duyan ng mga makabagong lider at lideratong angkop sa panahon at pangangailangan ng bayan.

Saksi ang diyos at ang aking bayan, gabay ng integridad, sipag, karanasan, talino at katapatan. Ngayon ang tamang pagkakataon. Ako po si Rizaldy Luistro Jr.  at may kagalakan kong inihahandog ang aking talino, lakas at determinasyon para sa konseho.

Ang aking intensyon na tumakbo ay isang tugon sa isang misyon – ang mamuno sa isang makabayang pamamahala mula sa makabayang pagboto ng mga makabayang mamamayan.

Handa na akong ipanalo ang labang ito. Kabutihan sa lahat at katapatan sa bayan. Sama-sama tayong titindig para sa matatag na Mabini.