Bravo Filipino | MocaMoca Cares: Copperstone Lending Nag-abot ng Tulong sa mga Biktima ng Lindol sa Cebu
Bilang bahagi ng patuloy na Corporate Social Responsibility (CSR) program nito, inilunsad ng MocaMoca ng Copperstone Lending Inc. ang “MocaMoca Cares: Tulong Para sa Cebu” donation drive kamakailan, upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol sa Cebu.
Layunin ng proyektong ito na maghatid ng agarang tulong at pag-asa sa mga pamilyang nasalanta, bilang pagpapakita ng malasakit at serbisyo ng Copperstone sa mga Pilipinong nangangailangan.
Tulong at Malasakit sa Gawa
Sa pamamagitan ng “MocaMoca Cares: Tulong Para sa Cebu” drive, namahagi ang MocaMoca at Copperstone Lending Inc. ng mga relief pack na naglalaman ng mga sako ng bigas at bottled water para sa mga pamilyang muling bumabangon matapos ang sakuna.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Cebu at mga kinatawan mula sa DSWD, na nagbigay-daan sa maayos at sistematikong pamamahagi ng tulong sa mga apektadong lugar. Personal ding nakiisa ang mga boluntaryo at miyembro ng Copperstone team sa pamimigay ng donasyon upang matiyak na maramdaman ng bawat pamilya ang kanilang suporta at malasakit.
Ayon kay Ginoong David Balamon, kinatawan ng kumpanya:
“Ang MocaMoca at Copperstone Lending Inc. ay patuloy na nagsisilbi lampas sa pagbibigay ng pinansyal na tulong. Sa mga inisyatibong tulad ng Tulong Para sa Cebu, hangad naming maibsan ang hirap at maibalik ang pag-asa sa ating mga kababayang dumaranas ng pagsubok.”
Ang araw ng pamimigay ay naging sagisag ng pagkakaisa at kabutihan—punô ng mga ngiti, pasasalamat, at pag-asa. Isa itong patunay na sa likod ng bawat serbisyo ng Copperstone ay isang kumpanyang tunay na may pusong tumutulong.
Serbisyong May Puso at Pananagutan
Bilang isang lehitimong at rehistradong lending company sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC), patuloy na isinusulong ng Copperstone Lending Inc. ang mga prinsipyo ng patas, malinaw, at may pusong serbisyo — hindi lamang sa larangan ng pagpapautang kundi maging sa pagtulong sa lipunan.
Ang MocaMoca app, isa sa mga mapagkakatiwalaang digital lending platforms ng kumpanya, ay kumakatawan sa adbokasiyang magbigay ng madaling ma-access, ligtas, at responsableng tulong-pinansyal para sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng MocaMoca Cares, pinalalawak ng Copperstone ang kanilang adbokasiyang maglingkod nang may malasakit.
Dagdag pa ni Balamon:
“Bawat simpleng pagtulong ay hakbang tungo sa mas matibay na pag-asa ng mga Pilipino. Ipinapakita nito na ang tunay na serbisyong pinansyal ay ‘yung kayang magpalakas hindi lang ng bulsa, kundi pati ng loob.”
Paninindigan sa Pagmamalasakit
Higit pa sa pagiging tagapagpautang, nananatiling layunin ng Copperstone Lending Inc. na maging katuwang sa pagpapatatag ng mga komunidad — isang kumpanyang may malasakit, transparency, at integridad sa lahat ng aspeto ng serbisyo.
Sa pamamagitan ng mga CSR initiative tulad ng MocaMoca Cares, layunin ng kumpanya na patatagin ang ugnayan nito sa mga Pilipino at makatulong sa pagbuo ng mas matatag, mahabagin, at empowered na komunidad, lalo na sa panahon ng sakuna at pagbangon.
Tungkol sa MocaMoca ng Copperstone Lending Inc.
Ang MocaMoca ay isang lehitimo at rehistradong digital lending app na pagmamay-ari ng Copperstone Lending Inc., isang duly licensed lending company sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nagbibigay ang MocaMoca ng mabilis, ligtas, at maaasahang tulong-pinansyal para sa mga Pilipino habang isinusulong ang responsableng pagpapautang at malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng mga CSR program nito.
