Mga Pangunahing bagay na dapat gawin bago magbukas ng online na trading account
Photo by Kanchanara on Unsplash

BravoFilipino | Mga Pangunahing bagay na dapat gawin bago magbukas ng online na trading account | Marami ng mga merkado ang nagiging aktibo ngayon at iyon ang dahilan kung bakit marami ng tao ang nagbibigay konsiderasyon na ilagay ang kanilang pera sa pampinansyal na merkado. Mas madali ng mag-trade sa online ngayon at may mga kagamitan ng pang-edukasyon na makakatulong sa iyo na magawa ito ng tama. Kaya naman nakakahalina na magbukas ng isang online na trading account. 

Gayunpaman, para sa mga nagsisimula pa lamang sa trading, may ilang mahahalagang bagay na dapat gawin bago magbukas ng account. Tingnan natin ang ilang hakbang na dapat mong gawin bago i-deposito ang iyong unang Salapi.

Alt-text: aralin ang mga pangunahing kaalaman sa online na trading

Pag-aralan ang mga pangunahing kaalaman sa trading

Ang pagkaunawa sa kung paano ang pamamalakad ng industriya ay kritikal sa simula, dahil iyon lamang ang tanging paraan na maaari mong  asahan kung paano kikilos ang mga merkado. Dapat mong malaman kung paano suriin ang mga paggalaw ng presyo, mga balita sa merkado, mga kaganapan sa ekonomiya at higit pa.

Gayundin, kailangan ay may alam ka rin sa mga implikasyon ng mga pagbabago sa patakaran sa pananalapi. Ang nga Sentral na Bangko ay nabigyan ng pansin nitong 2022 dahil tumataas ang mga rate ng interes at naaapektuhan nito ang kapangyarihan ng pera. Kung ang Dolyar ay humina, halimbawa, ito ay nakakaapekto sa iba pang mga salapi at gayundin sa pag-aangkat at pag-luluwas ng mga produkto. Sa madaling salita, kailangan mong maunawaan kung paano ang pamamalakad ng mga merkado – at kung paano mo masusulit ang mga ito.

Magdisenyo ng estratehiya

Kapag naintindihan mo na ang mga pangunahing kaalaman, dapat ay magdisenyo ka ng isang hanay ng mga panuntunan kung paano ka didiskarte sa mga merkado. Ayon sa to XPro Markets, ang kakulangan sa estratehiya ay maaaring humantong sa pabago-bagong resulta, at iyon ay isa sa mga pagkakamali na ginagawa ng maraming nagsisimula pa lamang na mga trader. 

Kasama dapat sa estratehiya ng trading ang konkretong panuntunan kung paano pumasok at lumabas sa isang trade, kung paano suriin ang merkado, at kung gaano karaming pera ang dapat i-trade sa bawat trade (a.k.a. mga panuntunan sa pamamahala ng posibilidad). Dapat mo ring panatilihing nakasulat ang mga panuntunang ito sa isang dokumento at basahin ang mga ito nang regular hanggang sa masaisapuso mo ito. 

Pumili ng tagapamagitan

Ang pakikipagtulungan sa isang maaasahang tagamagitan ay bahagi din ng kasunduan dahil maaari itong makaimpluwensya sa mga kondisyon ng trading. Ang mga tatak tulad ng XPro Markets ay nangangako na ngayon ng mapagkumpitensyang termino para sa kanilang mga parokyano. 

Alt-text: pagsusuri ng mga presyo ng ari-arian

Kung maari, ang tagamagitan ay dapat na awtorisado at nakokontrol upang matiyak nito ang mataas na antas ng kaligtasan. Kung nag-aalok ito ng iba’t ibang uri ng account, nangangahulugan iyon na ang lahat ng uri ng mga trader ay maaaring mag-sign up. Ang customer support at mga tampok na pang-edukasyon ay maaari ding makatulong, dahil mahalaga din na makinig sa iyo ang iyong tagapamagitan at tulungan kang matuto.

Magpasya kung anong mga ari-arian ang iti-trade

Ang mga online na tagapamagitan ngayon ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga sikat na merkado kabilang ang  currency pairs, stocks, indices, commodities at cryptocurrencies. Gayunpaman, ang bawat klase ng ari-arian ay magkakaiba at may mga natatanging katangian. Dapat alam mo ang mga ito. 

Ang iregularidad ng presyo ay isa pang dapat isaalang-alang. Ang pagkakaintindi mo sa panganib ay isang malaking bahagi ng proseso sa paggawa ng desisyon. Kaya dapat ay pumili ka ng ari-arian na komportable kang i-trade, anuman ang gawin ng ibang tao. 

Ang pagpili ng mga ari-arian na aktibo sa oras ng Pilipinas, tulad ng mga stock mula sa Japan o China, ay isang magandang ideya din. Sa ganoong paraan, hindi mo kailangang panoorin ang mga presyo sa gabi. Ang pagiging abot-kaya ay isa pang dahilan, dahil ang laki ng uri ng iyong account ay maglilimita sa kung anong mga ari-arian ang maaari mong bilhin.

Photo by Kanchanara on Unsplash