huawei google access

Manila, BravoFilipino.com | Tinanggal ng Google ang access sa Android at sa lahat ng Google Apps ang lahat ng cellphone ng Huawei, bago man o lumang modelo.

Inalis na agad ng Google ang lahat ng security updates ng Huawei matapos iutos ni Presidente Donald Trump ang paglagay sa Huawei sa listahan ng “ENTITY LIST” o isang pag-blacklist sa kalakalan ng nasabing telecoms na kumpanya. Kasama ng Huawei ang ZTE sa listahan na ito.

Matatandaang nasangkot ang Huawei sa hinalang nang-iispiya sa Amerika at iba pang bansa gamit ang teknolihiya nila. Hindi pa ito napapatunayan sa panahon na ito.

Nagpasabi naman ang Huawei na matagal na silang nakahanda sa ganitong desisyon.

Kasama sa mga mawawalang ng updates ang mga Google apps na Gmail, YouTude, Google Play at Google Maps.

Sa statement ng Huawei, na siyang lider sa teknolihiyang 5G, ang pagsikil sa pangangalakal nito sa US ay siya din sisikil sa paglago ng telekomunikasyon sa Amerika dahil sa mas mahal na mga alternatibo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here