by Homerun Nievera | Bravo Filipino |
Narito na muli ang June 12 — Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop noon na Amerikano (at Kastila). Naisip kong nararapat lamang na may maisulat akong piyesa para sa mahalagang araw na ito, na sana’y tumimo sa mga kabataan at tinaguriang milenyo (millennials). Heto na po.
Pitong bagay na dapat mong ipasalamat bilang malayang #Pilipino
#1 Nababasa mo to at nakakapag Facebook ka. Sa mga ibang bansa na di malaya o may diktadurya, bawal to. So sad.
#2 Puede kang magsulat at magsalita laban sa pangulo. Subukan mong gawin yan sa China, kulong ka … kung swerte ka.
#3 Malaya kang nakakapaglakad kahit anong oras araw man o gabi (basta di ka menor de edad). Yun lang, ingat ka sa masasamang loob pag gabi na.
#4 Kung masipag at maabilidad ka, kahit ano’ng gusto mong bilhin o kainin, puedeng puede! Sa ibang jologs na bansa gaya ng North Korea, kelangan mong pumila sa rasyon kahit may datung ka.
#5 Kung may pera ka pang negosyo, aba, by all means, invest ka kahit saan mo gusto. Sa ibang bansa gaya ng Cuba, o Myanmar, may pera ka nga, wala ka naman mabibili kasi di available sa suking tindahan.
#6 May freedom of religion ka sa Pinas. Sa ibang bansa, wala. As in wala kang choice o wala kang puedeng sambahin kundi ang hari o ung naghahari-harian dun.
#7 Kahit ano’ng isuot mo sa bayang #Pilipinas ay puedeng puede. Kung wala kang pambili, puede pa din kasi ultimo bahag ay ok lang isuot kasama ng barong noh.
So ano, enjoy ka sa kalayaan? Dapat lang. Pinag hirapan yan ng mga tinaguriang bayani mula kay Rizal hanggang sa OFWs na modern heroes.
Ipadala mo to sa mga mareklamo mong kakilala para ma-appreciate nila ang kalayaan sa #Pinas.