DOLE NCR CAMP

Bravo Filipino | Mahigit 1,074 na manggagawa ng pormal na sektor sa NCR ang makatatanggap ng kanilang limang libong pisong (PhP 5,000) grant sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP ng DOLE.

Ayon kay NCR Director Sarah Buena S. Mirasol ng DOLE, nasa mahigit 5 milyong piso na ang kanila na-proseso na suportang pinansyal sa NCR sa ilalim ng CAMP. Naaayon ito sa report na isinumite ni Director Mirasol noong Marso 24, 2020.

Sa araw na nabanggit, nakatanggap angDOLE-NCR ng 46,213 na aplikasyon sa CAMP ng 973 na mga pribadong establisiyemiento sa metro Manila na nagpatupad ng Flexible Working Arrangements (FWAs) o kaya’y temporary closure dahil sa DOLE Advisory No. 9, series of 2020.

Sa nabanggit na bilang ng aplikasyon, nagpo-proseso ang DOLE-NCR ng 43,000 na mga humingi ng  financial assistance.

Humngi na din ng paumanhin ay pasensiya si Director Mirasol dahil sa dami ng mga aplikasyon online, medyo nahirapan silang asikasuhin ang lahat nang sabay-sabay. Di rin kasi maaaring magpunta sa tanggapan ang mga tao nang personal dahil na din sa ipinatutupad na ECQ. Maaari naman daw mag sumite ng aplikasyon sa email nila.

Para sa mga empleyadong nais makakuha ng 5,000 piso na ayudang pinansiyal na may kumpanyang nagpatupad ng FWA o temporary closure, narito po ang form (DOLE Establishment Report on the COVID-19 Form) na maaring ma-download sa http://bit.ly/ncrcovid19ERform) at isama Company Payroll sa buwan ng Pebrero ayon na din sa Labor Advisory No. 12, series of 2020.

Para mapabilis ang pagroseso ng remittance ng 5,000 piso, humihingi ang DOLE-NCR ng kopya ng mga payroll account numbers ng mga apektadong empleyado ang ng payroll na bank at branch ng kumpanya.

Narito ang anim na field offices ng DOLE-NCR na bukas po para sa mga tawag at online na pagtatanong na bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM – 4:00 PM:

CAMANAVA FIELD OFFICE
(Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela)
E-mail: camp.cfo@gmail.com  / Hotline: 0998-963-3903
MUNTAPARLAS FIELD OFFICE
(Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Las Piñas)
E-mail: camp.mtplfo@gmail.com  / hotline: 0998-963-3859
PAPAMAMARISAN FIELD OFFICE
(Pasig, Pateros, Mandaluyong, Marikina, San Juan)
E-mail: camp.pfo@gmail.com  / Hotline: 0947-994-1433
MANILA FIELD OFFICE
E-mail: camp.mfo@gmail.com  / Hotline: 0998-963-3971
MAKATI-PASAY FIELD OFFICE
E-mail: camp.mpfo@gmail.com  / Hotline: 0995-334-3174 / 0928-354-4238
QUEZON CITY FIELD OFFICE
E-mail: camp.qcfo2@gmail.com  / camp.qcfo@gmail.com
Hotline numbers: 0925-487-5979  / 0947-881-3044 / 0998-963-3861 / 0918-551-4955 / 0910-255-253
Narito ang listahan ng mga kumpanya sa NCR na pasok sa CAMP:

SOURCE