May pinagdadaanan ka ba?

2,431 views

by Homerun Nievera | Bravo Filipino |

Sino ba naman ang taong laging masaya? O walang problema?

Meron ka laging pagdadaanan sa iba’t ibang yugto ng iyong buhay.

Samakatwid, di ka nag-iisa at lalong di ka naiiba.

Lahat tayo, may nais makamit sa buhay, at may gustong maabot na pangarap. At dahil dun, tiyak na handa tayong sumuong sa kahit na ano’ng ibabato sa atin ng buhay. Kahit nagtatapang-tapangan lang tayo. Kahit may takot tayo, di ba?

Pero ano nga ba ang ipinagkaiba ng bayani sa isang duwag? Alam mo bang pareho lang sila ng kinahaharap na takot? Ang pagkakaiba ay kung paano sila humarap sa pangamba. Ang bayani, buong tapang na haharapin ang problema. Ang duwag, umaayaw. Eh sino naman ang panalo sa dalawa?

Kaya naman, kapatid, buo ng loob ang dapat iharap sa hamon. Huwag isiping problema yan kundi ganun na nga — isang hamon. Sapagkat ang hamon ay tinatanggap. Ginagawan ng paraan para manaig ka. Samakatwid, walang problema. Lahat ay hamon at balakid lamang.

Lahat nang yan ay pagdadaanan mo lamang. At dahil nga pagdadaanan, lilipas din!

Ang dapat gawin ay simple. Tumindig kung ika’y nakalugmok. Magdasal para makakuha ng lakas na galing lamang sa Diyos. Hindi mo kaya mag isa, kapatid. Tiwala lang sa lakas ng Diyos ang makakatulong sa yo. Tiyak din na magpapadala ng kakampi ang Diyos para ika’y maiangat muli. Dasal ang una at pinaka malakas na sandata mo.

Mag focus ka sa solution at wag sa kinahaharap mong hamon. Stay positive. Pag nagsimula kang ma-nega, negative din ang mahihigop mong energy. Lahat may solusyon. Ganun lang yun.

Stand up. Pray. Focus. Stay positive.

Game na!

limits

Share This!Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedIn

One thought on “May pinagdadaanan ka ba?”

  1. Ar Jay Calimag

    Kung may pinagdadaanan ka, daanan mo lang. Solusyunan mo ng mabilisan. Huwag kang maglagi diyan.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

*